Para sa mga mambabasa:
Ang inyong lingkod ang pangunahing tauhan ng inyong mababasa. Ang ibang mga tauhan ay binigyan ng ibang mga pangalan para maitago ang kailang mga katauhan.
-Awtor
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Alas syete ng umaga, agad na akong bumangon at naghilamos. Tinatamad man ay nagmadali na akong kumain at naligo para maabutan ang pagdating ng bus ng bandang alas otso.
Nakakapanibago naman, naisip ko. Ang bilis dumating ng bus; wala pang alas otso nang lumabas ako ng iskinita namin ay nakasakay na agad ako. Swerte din dahil may upuan pa sa bandang likod ng bus. Umupo ako sa gawing kanan, tumabi sa isang lalaking naka-earphones at naka uniporme na may logo ng isang sikat na pamantasan. Bago ako nakaupo ay tumayo ang lalaki at pinaupo ako sa tabi ng bintana. Pasasalamatan ko sana siya dahil ngayong umaga ay gusto ko talagang maupo nang kumportable sa tabi ng bintana pero hindi na din ako nakapagsalita nang makaupo ako. Nagbayad ako sa kundoktor ng Php 34.00 para sa pamasahe ko hanggang Kalaw.
Paminsan minsan ay napapatingin ako sa lalaki.
Hi, salamat pala sa pagpapaupo. Gusto ko kasi talaga sa tabi ng bintana. Ako nga pala si Nicole. Sa TUP ka pala pumapasok? Aba, tingnan mo nga naman, magkapitbahay pa tayo. Haha. Uh, anong pangalan mo?
Ay teka, ano ba naman ito, nakatitig na ako dito sa lalaking to at kung ano ano pa ang naiisip kong sabihin. Bago pa man ako makagawa ng kahihiyan ay binaling ko na lamang ang atensyon ko sa tanawing nakikita ko sa may bintana. Nagulat ako nang nasa may Tolgate na pala kami. Walang traffic at tila tuloy tuloy ang byahe ko pa-Maynila ngayon. Sumandal ako sa may bintana at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
"Miss? Malapit na tayo sa Kalaw. Diba dun ka din bababa?"
Agad kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Siguro ginigising na ako nitong kundoktor, pagtingin ko sa bintana ay nasa UN Avenue na nga kami at malapit na ang bus stop sa Kalaw. Lumingon naman ako sa gawing kaliwa at nakita kong magkatabi pa din kami nung lalaking nagpaupo sa akin kanina sa tabi ng bintana. Ngumiti siya at nagsalita.
"Akala ko hindi ka magigising agad. Mabuti pala at hindi kita iniwan dito, kundi nasa Avenida ka na ngayon. Haha. Oh, bus stop na pala. Tara."
Hinawakan niya ang braso ko at sabay kaming bumaba ng bus. Dahil sa HRD ang klase ko ng Heat and Thermodynamics, sabay pa din kaming naglakad sa may sidewalk. Medyo awkward dahil ni hindi ko siya matingnan nang diretso habang hawak hawak niya pa din ang kaliwang braso ko. Alam niya kayang tinitingnan ko siya kanina? Teka, bakit ba hawak nitong lalaking to ang braso ko?
"Uh, salamat pala. Pwede mo nang bitawan yung braso ko."
Napatigil siya sa pagalalakad at tumingin sa akin. Ngumiti siya at binitawan ang braso ko. Ngumiti ako bilang tugon at pumasok na sa gate ng HRD, nagpacheck ng bag sa guard at dumiretso sa clasroom. Doon ay naabutan ko ang mga kaklase kong may kani-kaniyang mga kumpulan; may mga nagkakantahan, mga nagrereview, mga natutulog atbp. Bago ako umupo sa aking puwesto ay nakatanggap muna ako ng isang halik sa labi mula sa aking EX-boyriend na ngayon ay kadarating lamang. Oo, Ex-boyfriend ko na siya pero parang may relasyon pa rin kami kung magturingan. Medyo magulo pero hayaan nalang natin dahil mahabang istorya kung iku-kwento ko pa. Itago nalang natin siya sa pangalang Bane (Beyn).
Saktong alas dyes ng umaga nang pumasok ang Professor. Agad kong inilabas ang aking kwaderno at bolpen para sa pagsusulat ng lecture habang nakikinig. Nararamdaman kong unti-unti ng nagsasalubong ang mga kilay ko dahil sa mga letra at numerong kinokopya ko mula sa white board at siya namang ine-explain ni Sir. Isang malalim na buntong hinigna na lamang ang nagawa ko matapos ang tatlong oras na sakit sa ulong asignatura. Isang oras pa, sabi ko sa sarili nang maramdaman kong kumalam ang aking sikmura. Gutom na ako, pero may isa't kalahating oras pa para sa next subject bago ang lunch break. Konting tiis pa, makakakain din ako.
Sa wakas ay natapos din ang isa't kalahating oras ng sermunan at stress. Sa araw araw na ginawa ng Diyos, sa subject lang niya ako sobrang inaantok at nabo-bore.
Napagdesisyunan naming lumabas ni Bane para kumain sa isang karinderya. Umorder ako ng gulay at kanin at siya naman ay adobo at dalawang kanin. Taliwas sa madalas naming kinagisnan, tahimik atwalang nagsasalita habang kumakain kami. Paminsan-minsan ay nagkakatinginan kami ngunit umiiwas ako kaagad sa hindi ko mawaring dahilan.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa PNU. Ilang oras pa bago ang susunod na subject kaya napagpasyahan namin ni Bane na magpunta ng Veranda at matulog. Hindi naman ako nakakaramdam ng antok kaya sinamahan ko nalang siya at naglaro sa cellphone habang siya'y binabantayan. Medyo boring na ang atmosphere makalipas pa lamang ng ilang minuto. Bibitawan ko na sana ang cellphoone ko at pipiliting matulog nang may unknown number na nagtext sa'kin.
"Jagiya, let's see each other again later. ;)"
"Huh? Who's this?", reply ko. At Jagiya talaga ang sabi ha?
"Ash, yung kasabay mo kanina. I bet magkakasabay ulit tayo. ;)"
Nakakaasiwa kaya hindi ko nalang ulit nireplyan. Delete convo na din para di ako ma-tempt na itext siya. Mahirap na, baka ma-divert ang atensyon ko; mayroon pa akong taong gustong makuha ulit.
Huling subject na, medyo may energy pa din naman ang mga classmates ko. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Siguro dahil 'di ko pinilit matulog kanina.
"May problema ba?"
"Ha? Wala. May iniisip lang ako."
"Ano nga?"
"May kasabay ako kanina sa bus, di ko alam paano niya nakuha yug number ko. Nagtext siya sa'kin kanina. Hindi ko nalang nireplyan."
"Aww chicks. Wag mo na isipin yun."
Hinawakan ni Bane ang kamay ko at marahan niya itong pinisil. Agad akong napangiti sa kanyang ginawa na parati niyang ginagawa noong kami pa para mawala ang mga sagabal sa isip ko. Tumingin ako sa kaniya at agad naman siyang gumanti ng isang matamis na ngiti.
Natapos ang klase at ihahatid na daw ako ni Bane at ng kaniyang kaibigan sa sakayan ng bus. Bago kami makarating ay nanglibre muna ako ng squidballs at kwek-kwek para hindi naman kami magutom sa gitna ng mahaba naming byahe.
Pagdating namin sa sakayan ng bus, nagkaroon kami ng kaunting kwentuhan at tawanan. Ilang minuto lang ng pag aantay ay may dumating na bus pa-Cavite City. Agad akong nagpaalam sa aking mga kasama, humalik kay Bane at saka hinabol ang noon'y walang gaanong sakay na bus sa pag-asang may matitirang mauupuan.
Kung sinuswerte ka nga naman, isang upuan na lang sa likod, gawing kanan ng bus ang natitira. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad na akong naupo. Napabuntong hininga ako nang dumampi sa aking balat ang hangin ng aircon na noon'y nakatapat sa akin. Nang medyo mahimasmasan ay inabot ko ang aircon para ibaling ito sa ibang direksyon. Nang inaayos ko ang aking upo ay napalinga ako sa aking kanan. Hindi ako maaaring magkamali, ito si Ash, yung lalaking kasabay ko kanina. Sa tagal ng aking pagtitig kay Ash, hindi ko na namalayan na nakangiti na pala siyang tumitingin sa akin.
"Isn't it nice having a reserved seat? Feeling comftable?"
Sa halip na sumagot ay tumungo na lamang ako at kunwari'y nagcheck ng cellphone kong 10% na lang pala ang battery.
"May itetext ka ba? May load naman ako."
"Ah, wala. Nagchecheck lang ng---"
"Maaga pa naman eh. Tama lang ang oras ng uwi mo, 7:57 pa lang."
Kanina pa itong lalaking 'to ha. Kapag hindi ako nakapagtimpi, tatayo na talaga ako at pauupuin ko tong lalaking nakatayo.
"Bakit alam mo kung anong oras ako umuuwi?", sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
"Kasi palagi tayong magkasabay?"
"Ngayon lang kita nakita. Paanong mangyayari na palagi tayong magkasabay?"
"Hindi mo lang pinapansin kasi hindi naman mahalaga sa'yo kung andito ako o wala."
At talagang humuhugot pa 'tong taong ito. Medyo nag uusok na ang tenga ko sa lalaking ito kaya kumuha ako ng tubig sa bag at ininom ang natitirang tubig sa aking tumbler. Saktong pagkasara ko ng takip ng tumbler ay nagsalita si Ash.
"Bakit 'di mo pa palitan yang ex mo? Tingin mo ba mahal ka pa niya?"
"Teka nga ha, unang una hindi ko alam kung bakit mo ako kilala, pangalawa hindi ko alam kung paano mo nakuha ang number ko at panghuli, huwag mong pakialaman ang personal na buhay ko. Hindi kita kilala at lalong hindi mo ako kilala."
"Woah, woah chill. Unang una, elementary palang kilala na kita. Naalala mo yung tinapunan mo ng chocolate ice cream kasi tinawag kang mataba? Oo, ako yun. Pangalawa, nasa ID mo yung number mo. Pangatlo, hindi ko maiwasang hindi mangialam dahil may pakialam ako sa'yo. Matagal na kitang gusto at matagal na akong nag antay."
Napalunok nalang ako sa sinabi ni Ash. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Isa pa, batang tinapunan ng ice cream? Parang wala naman sa history ko yun. Pinaglololoko lang ako ng taong 'to.
"Wala akong naaalalang may tinapunan ako ng ice cream."
"Okay fine, wag mo nang alalahanin."
Hinawakan ni Ash ang kamay ko nang mahigpit at bigla siyang tumayo.
"Kuya, para na po. May nakalimutan lang kami."
Napatingin ako kay Ash at ngumiti lang siya. Bumaba kami sa may Baclaran at pumasok sa Jollibee.
"Anong ginagawa natin dito? Hoy, kanina mo pa ako hinihila. Alam mo, dapat ngayon patawid na ng Coastal yung bus! Ano ba!"
Pinilit kong magpumiglas sa kamay ni Ash pero hindi niya ito binibitawan.
"Miss, isang spaghetti with chicken. Ikaw babe?"
Hindi ako sumagot sa halip ay sumimangot ako at umirap.
"Hirap ng girlfriend na malakas ang moodswings. Uh, ganoo'n nalang din sa kanya Miss."
Nang naka order na si Ash ay hinila niya ako sa isang lamesa malapit sa entrance. Binitawan niya na ang kamay ko kapalit ng pakikipag usap ko sa kaniya. Ilang sandali pa ay dumating na ang pagkain. Binilisan ko lang ang pag kain at agad akong tumayo.
"Saan ka pupunta?"
"Ha? Sa CR."
"Samahan kita."
"Nababaliw ka na ba? Ayoko."
Dali-dali kong kinuha ang bag ko at mabilis na naglakad papuntang CR. Naghilamos agad ako pagpasok ko para mahimasmasan ako sa mga nangyayari. Si Ash ngayon ko lang siya nakita, ang wierd ng mga ikinikilos niya. Paano ako makakaalis nang hindi niya ako nakikita? Wala na halos tao dito sa Jollibee at mukhang pasara na sila dahil mag a-alas nueve imedya na.
Nakatingin pa rin ako sa aking repleksyon sa salamin nang bilang bumukas ang pintuan ng CR at pumasok si Ash.
"What the fuck? Anong ginagawa mo dito? Ladies' room 'to!"
Hinila ako ni Ash at niyakap nang mahigpit. Pilit akong nagpumiglas pero lalong humihigpit ang kanyang pagkakayakap sa'kin.
"ANO BA! BITIWAN MO 'KO!"
"WAG KANG MAINGAY!", sabi ni Ash matapos akong sampalin nang malakas na naging dahilan ng aking pagbagsak sa noon'y bagong linis na tiles.
Ni-lock ni Ash ang pintuan ng CR at muli niya akong nilapitan.
"AKIN KA LANG.NAINTINDIHAN MO?", bulong niya matapos niyang halikan ang pisngi at tenga ko.
Nang makahanap ng tiyempo ay nasipa ko si Ash sa kanyang gitna. Natumba siya at napabaluktot sa sakit kaya nagkaroon ako ng tyansa na makuha ang cellphone ko. 7 messages. Limang pare-parehong text mula kay Mama at dalawa naman mula kay Bane.
"Nicole, nasa'an ka na? 10pm na."-Mama
"Maman, san na ikaw? Nasa bahay na po ako."-Bane
"Maman? Nag aalala po ako sa'yo. 'Di ka nagtetext. Saan ka na po? Text mo po ako agad ha. I love you, Maman. :3"-Bane
Habang tumutulo pa rin ang aking luha ay agad kong nireplyan si Mama.
"Ma, traffic po eh. Nasa coastal palang po ako."
Nakabaluktot pa din sa sakit si Ash sa may pinto kaya nagawa ko pang matawagan si Bane.
"Hello... Beb... help me... N... nasa Jo---"
"ANONG GINAGAWA MO HA?"
Lalong lumakas ang aking mga hikbi nang makuha ni Ash ang cellphone ko at ilapag niya ito sa may lababo.
"SABI KO SA'YO DIBA AKIN KA LANG? NGAYON, IPARINIG MO SA EX BOYFRIEND MO NA AKIN KA LANG!"
"AYOKO! HAYOP KA! BEB! PLEASE! TULONG!"
Naririnig ko ang nagpapanic na boses ni Bane sa kabilang linya habang pinipilit akong halikan ni Ash sa ibat ibang parte ng aking batok. Hindi matigil ang paghagulgol ko sa ngayon ay nangyayari sa'kin.
Kumakalabog ang pinto at pilit itong binubuksan nga mga crew. Lalo akong nagpumiglas at nilakasan ko ang aking bawat sigaw para malaman nilang gusto ko nang makalabas sa impyernong aking kinalalagyan. Umaawang na ang pintuan at nakikita ko na ang mga tao sa labas. Isang malakas na sipa ng crew ay pilit na bumukas ang pintuan.
"NICOLE! ANO BA! AKALA KO BA ALAS SIYETE ANG TIME MO? ALAS SAIS NA NAKAHILATA KA PA DIYAN! BANGON NA! 'DI KA NANAMAN PAPASOK NG FIRST SUBJECT MO!"
Alas singko imedya ng umaga, agad na akong bumangon at naghilamos. Tinatamad man ay nagmadali na akong kumain at naligo para makaabot sa first subject ko.
Orihinal na Kompoisyon ni: Pauline Nicole F. Sael
intense <3
ReplyDelete