Friday, July 17, 2015

Entry # 17: Guro, Iskolar at Atleta

Aking matatandaan sa nakalipas na tatlong taon ko ay labis na kasiyahan ang nararamdaman ko sapagkat ako ay tutungtong na sa kolehiyo. Nang ako ay inirekomenda ng aking kapatid sa Pamantasan Normal ng Pilipinas para mag aral at maging magaling na guro at atleta sa hinaharap. Alam kong may plano ang dyos sa akin kung bat ako ay napasok sa pamantasang ito.Bilang isang mag aaral sa unang taon ay madaming pumapasok sa isipan ko sapagkat ang pag kakaalam ko sa kolehiyo ay ibat ibang uri ng tao at ugali ang haharapin ko kaya dapat ko itong pag handaan sa mga lilipas pang taon at mga araw ang akibg pag aaral. Sa mga araw na dumaan ay madami na agad akong naging mga kaibigan sa pamantasan. Sa pagiging mag aaral at pagiging isang atleta nagkaroon ako ng isang problema kung pano pag sasabayin ang pag aaral at pagiging atleta. Isang araw klase namin sa Values Education, kahit na dalawa lang ang aming klase pag lunes at huwebes ay pinasukan ko pa din itong asignaturang ito kahit pa mag hintay kami ng 8:30 ng umaga hanggang 1 ng hapon para mapasukan lang ang asignaturang ito. Doon sa klaseng iyon ay binigyan kami ng inspirasyon ng aming guro at naging inspirasyon kami ng ibang mag aaral dahil sakanya, ang palagi nyang sinasabi samin ay "mahirap ang gampanin ng isang mag aaral at pagiging atleta sa parehas na oras". Simula noon ay mas lalo pa kaming nag sikap mag aral ng akibg mga kaklase, halos lahat ng pwedeng salihan na paligsahan ay sinasalihan namin kahit hindi man kami palading manalo, natutunan namin lumaban ng tapat at may disiplina.Unang taon unang paligsahan samin sa "SCUAA", kami ay nag pakita ng magandang halimbawa sa ibang mga atleta ng pamantasan, naiangat namin ang pamantasan sa ikatlong pwesto, ganoon pa man ay lalo pang nag pursigi ang mga mag aaral na atleta sa pag eensayo upang mahigitan pa ang mga nakamit ng bawat isa sa mga darating pang mga paligsahan. 

Patapos na ang unang taon ng pag aaral at kami ay aakyat na sa ikalawang taon at panibagong pag subok na naman ang aking haharapin. Sa kalagitnaan ng taon mas lalo kaming nahirapan sa akademiya ngunit sa isang pag kakataon ay nagkaroon kami ng isang gurong mag bibigay daan at mag lilinaw pa lalo ng kahalagahan ng pagiging isang mag aaral at pagiging isang atleta. Pinanuod nya kami ng bidyo na hinding hindi namin makakalimutan, tumatak at luminaw sa isipan namin ang palabas na "Coach Carte", ipinakita dito kung anong buhay at kung ano ang mga nakamit na tagumpay ng isang mag aaral at atleta na katulad namin. Matapos namin mapanuod ang bidyong iyon ay mas lalo pa namin ipinakita na hindi lang kami magaling sa larangan ng palakasan kami din ay magaling sa larangan ng akademiya. Simula noon ay gumanda ang ipinapakita ng bawat mag aaral na atleta pag dating sa akademiya. Muli kami ay makikidigma ulit sa labanan ng Unibersidad. Dumating sa punto na nagkaroon ng bagyo at marami ang mga nasalanta kaya ang aming unibersidad ay nag doneyt sa mga nasalanta ng bagyo. Hindi hadlang ang uniporme at pera sa pag lalaro ang gusto ng bawat mag aaral na atleta at makatulong sa mga nangangailangan at mag bigay ng karangalan sa ating inang pamantasan.


Maganda ang ipinakita ng bawat isa kahit na malakas ang ibang unibersidad kami ay lumaban hanggang sa huli at mag bigay ulit ng karangalan sa pamantasan. Muli kami ulit ay babalik sa akademiya para mag aral at tapusin ang taon. Ikalawang taon mas maraming kaalaman at pag subok na naman ang aming haharapin at sabay sabay namin itong lalagpasan.


Patapos na naman ang taon at papasok na kami sa ikatlong taon sa kolehiyo at mas lalo pang hihirap ang aming tatahakin sa pag aaral at sa paligsahan. Katulad bg mga nakasanayan ay aral at laro ang nasaisipan ng bawat isa ngunit may isang guro kami na mag babago at huhubog pa sa amin na " hindi sa lahat ng oras ay mag lalaro lang kayo at mag aaral kayo ay magiging isang guro na at mag bibigay ng kaalaman sa mga batang nangangailangan ng kaalaman tulad ng pag hubod ng pamantasan sa inyo ganun nyo din hubugin ang inyong mga mag aaral". Sa ikatlong taon ay mas lalo pang gumaling ang bawat isa sa akademiya at sa pag lalaro. 


Ngayon ay nasa ikaapat na taon na ako at malapit na ako maging isang guro at matatapos na din ang karir sa pag lalar, sana maging magandang halimbawa kami sa mga susunod pang henerasyon ng pagiging mag aaral , ISKOLAR, GURO AT ATLETA.


Ako ay masaya sapagkat napaka dami kong maiiwang magagandang alaala sa pamantasan, sa mga bata pa sakin sana maging inspirasyon nyo kami, hindi biro ang maging ISKOLAR, GURO AT ATLETA sapagkat ay napaka hirap ng pinag daanan ng bawat isa at ngayon ito ay nakatulong at nag daan sa amin upang maging isang magaling na guro sa mga darating pang araw.


Napakasaya ng bawat isa, hindi mababayaran ng kahit ano man ang mga aral at payo na itinuro sa amin ng lahat ng aming mga guro, saludo ako sa bawat guro na nag hihirap mag turo upang mapaganda ang kinabukasan ng isang mag aaral saludo ako sa mahabang pasensya ng mga guro sa makukulit na mag aaral saludo ako sainyo mahal naming mga guro.


Ngayon ay mag tatapos na ako, salamat Inang Pamantasan sa mga itinuro mo sa akin at sa lahat.



- Felixberto T. Puda

1 comment:

  1. Coin Casino » $50 Free + 125 Spins No Deposit
    Play at the best Crypto Casino with Bonus Codes and Free Spins No 바카라 사이트 Deposit. Discover the best Bitcoin casinos & claim 바카라사이트 $50 FREE + 125 Spins! 인카지노

    ReplyDelete