Thursday, July 16, 2015

Entry # 7 Amnesia


                                                                         

    Paano ko siya kakalimutan kung sa lahat ng dapat tandaan ay siya ang nariyan?

   Maraming araw na ang lumipas ngunit sa aking puso't isipan sariwa pa rin ang mga pangyayaring nagdaan. Ano't ngayo'y nababalot pa rin ng pagdadalamhating hindi kayang maipaliwanag. Hanggang kailan nga ba mananatili s'akin ang mga alaalang ginawa naming magkasama?

    Nagmahal ako ng isang taong hinahanap pa ang kanyang sarili , kaya heto ako ngayon naiwang sawi sa pag-iibigang isa lang palang pagkakamali. Simula pa man ay alam ko na ang katayuan niya , akala ko kakayanin ko ngunit hindi pala. Mahirap ipagkatiwala ang iyong pagmamahal sa isang taong hindi mo alam kung hanggang kailan ka niya kayang mahalin, pero nagawa ko. Nagtiwala ako sa isang tulad niya dahil alam kong ang lahat ng tao ay may karapatang magmahal at mahalin. Siguro hindi ko pa talaga kayang panindigan kung anong meron kami. Mas mahal ko ang sarili ko kaya humantong ako sa isang desisyong nagpabago ng lahat kung anong meron kami at pati siya."He turned into someone he said he would never be". Hindi maikakaila na naitatanong ko sa sarili ko kung tama bang tinuldukan ang aming nasimulan kung sa mga panahong iyon ay pareho naming mahal ang isa't isa. Akala ko noon kung ako ang  bibitaw mas madali s'akin na kalimutan siya. Ako ang nang-iwan pero bakit tila ako ang mas nasasaktan? "If what we had was real, how could he be fine?". Masakit pala na makita siyang masaya at kapiling ay iba. Masakit maiwan na mag-isang nagmamahal. Mahirap kalimutan ang unang taong minahal mo ng tapat at hindi mo alam kung ang lahat ng mga alaalang ginawa niyong magkasama ay totoo ba. Mahirap ding tanggapin na ikaw ang nagkamali at sa pagkakamaling iyon hindi mo na kayang ibalik ang lahat kung anong meron kayo noon at kailangan mo ng limutin ang mga alaala niyong dalawa. Paano nga ba ako makakalimot kung patuloy pa rin akong umaasa sa pangakong binitiwan niya na darating ang panahon kung kailan pwede na kami at tanggap na namin ng buo ang isa't isa? Aasa pa ba ako, eh kung masasaktan at masasaktan lang din naman, huwag na. Hindi ko na kayang magpakatanga sa pangalawang pagkakataon. Gusto ko ng makalimot.

"I really wish that I could wake up with amnesia, and forget about the stupid little things."

By: J.A Zamora

5 comments: