Pagmamahal? Nakakain ba yun? Naiinom? Ano nga ba ang pagmamahal? Malalaman mo ba kung true love na yung nararamdaman mo? Paano mo masasabing mahal mo ang isang tao? Yan ang ilang tanong na narinig ko sa mga tao sa paligid ko.
Pagmamahal? Pagtumingin ka sa dictionary marami kang makikitang kahulugan ng salitang ito. Pero, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng pagmamahal? Ang sabi nila ang kahulugan ng isang bagay ay nakadepende sa tao tulad ng pagmamahal. Kaya bakit nga ba tayo nagtatalo talo kung ano ang kahulugan ng pagmamahal.
Ano nga ba ang pagmamahal? Marami ang uri ng pagmamahal, nandyan ang puppy love, true love, platonic love, eros, philia, pragma, ludus, agape, storge at marami pang iba. Marami na ring nagbibigay kahulugan sa pagmamahal pero diba wala pa ring nakakapagbigay ng eksaktong kahulugan nito dahil lahat ng bagay naiiba depende sa tao.
Yung iba sabi nila pag nagmahal ka raw masasaktan ka. Meron ding nagsasabi na pagnagmahal ka matututo kang magparaya. Merong nagmamahal sa kaibigan pero hindi naman masuklian. Nandyan din yung mahal nila yung isat-isa pero di pwede kasi nadidiktahan. Ang pagmamahal ngayon dapat ganito at dapat ganyan, may mga basehan kaya tuloy masyado ng maraming depinisyon ang pagmamahal.
Meron nga bang may alam sa kahulugan ng pagmamahal? Siguro ay walang may alam at walang makakapagbigay ng eksaktong depinisyon ng pagmamahal, kaya dapat muna natin itong maramdaman at maranasan. Kaya ikaw itataya mo ba ang puso mo para sa ngalan ng pag-ibig?
By: Sasuke
No comments:
Post a Comment