Ano ba ang basehan ng pamamahal? Hindi ko alam. Iyon bang tipong kahit sobra-sobra na yung binigay ko, parang ang hirap paring maniwala na 'yon na yung "love". Because of this, I cannot consider myself broken-hearted, no matter how much pain I had felt. All I know is, this is the first cut... and "the first cut is the deepest".
Sa kabila ng pagtutol ko sa kanyang gusto, nagpatuloy pa rin siya sa panliligaw. Pero, kamusta naman? Sino ba naman ang handang mag-alay ng matinding effort sa isang tao na hindi kayang ibalik ang lahat ng oras, sakripisyo at pagmamahal? Wala 'di ba? Wala! Oras na rin ang nagtakda, after almost a year, napagod din siya at kusa nang tumigil. Naintindihan ko. Nagpatuloy kami sa kanya-kanya naming buhay.
First year college ako nang magtext siya ulit. Wala lang. Nangangamusta lang daw. Somehow, unti-unting bumalik yung 'pagkakaibigan' na minsan na naming nabuo. Hindi regular na araw-araw o linggo-linggo, pero hindi lumilipas ang isang buwan na hindi niya ako kinakamusta. Siya yung taong hindi consistent pero alam kong laging nandiyan.
Patuloy ang pagtakbo ng oras... Hindi ko namalayan, halos isang taon na naman pala yung lumipas. Inaamin ko, noong mga panahong iyon, handa na ko. Handa na akong pumasok sa isang seryoso at totoong relasyon. Kaya lang, nagulat ako sa naging reaksyon nya. "Bakit ba may mga taong magboboyfriend lang dahil sa impluwensya ng mga kaibigan? Bullsh*t!" Tandang-tanda ko pa yung pagkakasabi niya nun. "Grabe!" , yun lang talaga nasabi ko sa sarili ko.
Noon ko lang naranasan ang ganoong bagay. Kung dahil man ito sa nagawa ko sa kanya dati, karapat-dapat lang ba akong masaktan? Pakiramdam ko, isa akong papel na eroplano na pinalipad ng mataas na mataas, tinangay ng hangin, at bandang huli ay hinayaan lang na bumagsak. Masakit... sobra. Ang mas masakit pa, matapos yun ay hindi na siya muli nagparamdam. Wala man lang pasabi. Wala manlang paalam. I don't know why. I don't know how long will I be a smashed paper on the ground. I don't know how long will I carry this cut in my heart.
By: Athea Cayenne S. Tolentino
Tarang Clinic! Patahi natin sugat mo :D
ReplyDelete#Colorful