Kaibigan! Kaibigan kita!
Ngayon, sino ka na?
Bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?
Oh matalik na kaibigan
Na dati kong sumbungan
Sa lahat ng kahirapan
At sa mga karanasan
Ngunit tila nagbago na
Pagkilos at pakisama
Ang pangakong saya
Ngayo'y pangamba
Nais kong malaman
Ang iyong dahilan
Maaari bang pag-usapan
Nang ito'y malunasan
Hapis ko't kasakitan
Di maintindihan
Oh aking kaibigan
Ika'y nasaan?
Na dati kong sumbungan
Sa lahat ng kahirapan
At sa mga karanasan
Ngunit tila nagbago na
Pagkilos at pakisama
Ang pangakong saya
Ngayo'y pangamba
Nais kong malaman
Ang iyong dahilan
Maaari bang pag-usapan
Nang ito'y malunasan
Hapis ko't kasakitan
Di maintindihan
Oh aking kaibigan
Ika'y nasaan?
By: Avenido, Rechel T.
No comments:
Post a Comment