Saturday, July 18, 2015

Putik at Pawis


 Nakapag-rappelling na ako  sa Buruwisan Falls na may taas na isang daang at walongpung talampakan.
- Sir. Justin

"It is not something we do,it is something we are"
- PNU-MC Motto


Buruwisan falls(180 ft)

Bundok : ROMELO
Lugar: Siniloan, Laguna
Major Jump-off: Brgy. Macatad, Upland Siniloan
Elevation: 300 MASL
Araw/Oras upang marating ang tuktok ng bundok: 1 araw, 2-3 oras
Katangian: Minor Climb
Difficulty: 2/9
Trail Class: 1
Tampok: Mga talon at Maulang kagubatan
Pinagkuhanan ng datos:Pinoymountaineers

Bilang isang miyembro ng Mountaineering  Club ng Pamantasang Normal ng Pilipinas, napupuntahan ko ang mga lugar na nagtataglay ng natatagong ganda. Hindi ko maitatangi na malaki ang naging papel ng organisasyong ito sa paghubog ng mga susunod na kabataang mountaineer at lider ng nagbabagong henerasyon.

Ang anyong lupang ito na nagtataglay ng apat na ibat ibang uri ng talon. Ito ay matatagpuan sa Timog kanlurang bahagi ng Sierra Madre, kilala ng mga mountaineers binang bundok ng Romelo. Ang Bundok ng Romelo para sa lahat na naghahanap ng kakaibang karanasan at nag aalok ng kakaibang ganda. Ito ay isang magandang lugar upang panandaliang makatakas sa mga problema at stress ng buhay.


Ito ay matatagpuan sa bayan ng Siniloan sa silangang bahagi ng Laguna. Ang bayan Sinoloan ay nasa Ikalawang antas sa probinsya ng Laguna. Ayon sa datos ng census ng taong 2014 ang kanilang populasyon ay umaabot na sa 40, 049.Ang bayan ng Siniloan ay matatagpuan sa hilagang silangang bahagi ng lalawigan ng laguna, 84 na kilometro mula sa maynila kung dadasa lalawigan ng Rizal at 113 kilometro gamit naman ang South luzon Expressway. 



photo credit to Pinoymountaineers
Hindi ganon kataas at kahirap ang aking naiisip sa kadahilanang ang antas at level nito ay 2/9. Ngunit maraming bagay na maaring mangyari lalo na sa hindi inaasahang pangyayari. Naging maputik, madulas at malamig ang babagtasing daan patungo sa campsite. panahon ito ng oktubre, isa sa mga buwan kung saan malakas ang lagaslas ng mga tubig mula sa mga talon. hindi maulan ng araw na iyon, ngunit damang dama ko ang haplos ng malamig na hanging nanunuot hanggang sa aking mga buto. katuwang ng mga puno, binibigyan kami nito ng lilim upang hindi kami mainitan at agad ay mapagod. 


Ilang oras ang lumipas narating na namin ang ituktok nito, dali-dali kaming nagpahinga at pinuntahan ang unang talon na sa amin ay gumulat dahil sa kakaiba nitong taglay na katahimikan at kapayapaan. Ito ang sampalok falls.Ilang oras dito kami nag pahinga at nag  umagahan. pinayapa namin ang aming katawan at isipan. Inihanda ang sarili sa umaatikabong lakaran. tinawag itong sampalok falls dahil sa puno ng sampalok na mayabong na mayabong sa ituktok nito. 

Amin namang sunod na pinuntahan ang batya- batya falls ito ay matatagpuan lamang kung tatawid tayo ng isang sapa sa pagitan ng mga bato. Kinailangan pa naming buhatin ang amin mga gamit bilang isang pagsasanay. ang dimensyon ng talon na ito ay maliit lamang ngunit ang tubig ay malamig. maihahalintulad sa isang pitsel ng yelo at tubig na ibinuhos sa iyong ulo ang pakiramdam.


            Aming sunod na binagtas ang daan patungo sa camsite .Sa ibaba ng campsite matatagpuan ang  isang talon, ang Buruwisan Falls na may taas na isangdaan at walong pung talampakan ang taas. Ipinangalan ang talon mula sa isang punong kahoy na matibay at karaniwang tumutubo sa tabing ilog. 





        
       Pinuntahan din namin ang lanzones fall. ito ay isang talon na nakaliblib malapit sa Buruwisan Falls. dito ako nakapagpahinga ng husto sa kadahilanang ang tubig ay dito ay tila nagmula sa isang malaking malaking bloke ng yelo at ang pinagbabagsakan ay tila ibang dimensyon sa taglay nitong kapunuan at kanyuan buhan ng anyo at porma ng mga bato at lupa.Natapos ang araw na ito sa isang pagsasalo salo at kasiyahang hinanda para sa lahat. Nag ayos ng mga tutulugan at nilinis ang kapaligiran. 

sa mga sumunod na araw naganap ang isa sa pinaka inaabangang pangyayari sa araw na iyon, nagrappling kami sa taas na 180 ft sa gilid ng talon. sadyang naiiba at nakakatindig balahibo ang karanasang ito. ninanais kong ulitin at masubukan ulit ang ganitong pagsasanay.



          Tapos na ang aming paglalakbay at maraming bagay ang bago para sa akin. Hindi ko malaman kung paano ko ilalarawan ang aking kagalakan sa pagdalaw naming sa  bundok ng Romelo sa Sinoloan, Laguna. Para sa akin, ang pangyayaring ito ay walang kahalintulad., tunay ngang naiiba. Paki wari ko naman ay nabatid mo na ang ganda ng ating likas na mga kayaman.

            Ito ay nag-ugat at yumabong sa ibat ibang bahagi ng ating bansa na sa ngayon ay nagpapamangha maging sa mga dayuhang banyaga. Ang hatid nitong kagandahan ay nagbubunga ng mga karanasang hindi matatawaran.Hindi ko maitatangi na sa bawat pagtahak ko sa landas na inilaan sa amin ng mga bundok na aming inakyat, ilog na tinawid at dinayong mga talon, ito ay nagdulot ng kakaibang kapayapaang hindi ko inaasahan. Ang bawat paglalakbay na aking nagawa ay nagbinhi ng mga kakayahan at disiplinang hindi marurok ng isip na magagawa. Lumago ang aking kakayahang pisikal, mental, sosyal at ispiritwal. Ang kapasidad ko bilang isang tao ay lumawak. Nakalaya ako sa takot na sa akin ay kumulong at tumanikala.
fun time sa buruwisan falls

Tuktok ng Mt.Romelo


Sa likod ng mga kwento

Ang mga tumanggap ng hamon

Pagtawid sa Ilog

Umakyat na Mountaineer bumabang mandirigma.
Oras ng pagtatanggal ng putik

Fun time

take 05 o pahinga ng limang minuto

Ang aming pamilya

Paalala:
Take nothing but picture,
Leave nothing but  footprints,
Kill nothing but time,



 Justine Ace York C. Bernardo.
sir.justin_aceyork@yahoo.com




No comments:

Post a Comment