Torete
(moonstar 88)
Every time
I hear this song, natutuwa talaga ako... Hahaha :D Bakt??? Hmmm..... Simple
lang naman, may naaalala lang ako... Eto kasi yung tinutugtog nya pag may
gitara siya tuwing magkasama kami... Parang hinaharana nya ako... ang
sweeeeeeettt!!!! <3
“Sandali
na lang
Maaari
bang pagbigyan
Aalis
na nga
Maaari
bang hawakan ang yong mga kamay
Sana
ay maabot ang langit
Ang
‘yong mg ngiti
Sana
ay masilip
Wag
kang mag-alala
Di
ko ipipilit sa’yo
Kahit
na lilipad
Ang
isip ko’y torete sa’yo...”
Graduate na ako sa wakas! Eto,
lalabas na ako ng Sisters of Mary, kaso malungkot kasi hindi ko na makikita si
Mr. #1 ko. pero buti na lang nagkausap kami bago ako umalis. For the last
time, nasilayan ko yung sweet smile niya. Kung pwede ko lang sabihin ung
nararamdaman ko para sa kanya, sinabi ko na ng oras na yun kasi hindi na niya
ako estudyante, kaso nakakahiya. Tiis ganda muna ako. Hahaha... :D
“Ilang
gabi pa nga lang
Nang
tayo’y pinagtagpo
Na
parang may tumulak
Nanlalamig,
nanginginig na ako oh oh oh...”
Una ko siyang nakilala nung
third year high school ako, noong nag-apply ako para maging student teacher sa
Physics. Naunahan ako ng isang estudyante na mapili ung favorite teacher ko.
Tapos, siya na lang ung natitirang physics teacher na walang student teacher,
so nag-volunteer na ako. Tadhana nga naman... :D
“Akala
ko nung una
May
bukas ang ganito
Mabuti
pang umiwas
Pero
salamat na rin at nagtagpo...”
Naging, sort of, stalker nya
ako. Para hindi nya ako mahalata, nagtago ako sa codename na Blue Angel. Hindi
nya talaga malaman kung sino si Blue Angel. Nakakahiya ung mga pinaggagagawa ko
nun grabe.. Sinusulatan ko siya, ginagawan ng tula... Siguro dahil sa sobrang
tuwa nya sakin, nagdrawing siya ng blue angel, magaling kasi siya magdrawing.
Pagkaraan ng ilang buwan, sinabi ko na ako si Blue Angel. Nung tinanung nya
kung bakit, palusot ko kasi gusto ko lang parang tatay na gagabay sakin.
Siyempre ayaw kong mabuko nya ako... Hahaha :)
Sayang hindi kami pwede...
</3
Nalaman ko may girlfriend siya.
Malambing siya, sobra.. Nakita ko yun dahil sa effort niya para sa girlfriend
niya nung panahong yun. Pero ok lang
kahit may Gf siya, thankful pa din ako kasi naging close kami at nanjan siya
pag kailangan ko siya. Ok lang din kasi kahit may Gf siya, mas madami ung oras
na magkasama kami kaysa magkasama sila... :$
“Torete...
Torete... Torete ako oh
Torete...
Torete... Torete sa’yo...”
Mas lalo akong natorete sa kanya
nung nalaman ko na break na sila... Ahahahaha :D Nung panahon pa namang yun
super close na kami kasi hindi lang kami nagkikita kapag ibibigay nya ung topic
para sa i-didiscusss ko, halos araw-araw na kasi ako ung napiling contestant
para sa darating na Academic Challenge sa Physics Quiz Bowl category.
Paglabas ko ng school, hindi
naputol communication namin. Hindi na siya nagkaroon ng ibang girlfriend kaya
natutuwa ako. Tuwing may problema ako, may sakit, nandyan lagi siya para sakin
at papatawanin nya ako. May pagkakataon nga na pinautang nya ako... Sabi nya
nga wag ko na bayaran. Ang bait nya sakin sobra. Proud din siya sakin kasi
pareho kami ng course na kinuha sa college.
Nagulat ako ng sobra nung, one
time, tinext nya ako ng “mahal kita Cristine” Siyempre kilig to the bones ang
dalaga... Kaso kailangan wag magpahalata. Sana he mean it, un ang nasa isip ko
nun. That time kasi, sa tingin ko, I fall for him...
“Torete...
Torete... Torete ako oh
Torete...
Torete... Torete sa’yo...”
Sabi ko sa kanya may
nagugustuhan akong tao. Sinubukan nyang hulaan pero ndi nya mahulaan. Kasi siya
yun. Sabi nya din meron din siya, kaso, nag-aaral pa. Ayaw nya daw makaistorbo
sa pag-aaral nung girl. Sa isip-isip ko, ako un.. Haha :) Hinihintay nya akong
makagraduate ng college. :)
Pero hanggang dyan na lang ung
pagkatorete ko sa kanya. Meron pa naman siguro hanggang ngayon, konti. It’s
because I fall for someone else... And I’m already happy. :)
- Cristine Joy Bautista
wow may video pa sa dulo, acheche
ReplyDelete