Thursday, July 16, 2015

Entry # 9 Now playing:Migraine


Naranasan mo na bang mabestfriendzoned?
    Mahal mo pero hanggang pang bestfriend ka lang.

Eh ang madivertzoned? Naranasan mo na ba?
     Ang madivert sa iba ang feelings niya na para sayo dapat.
Ang sakit no?

Paano pa kaya kung sabay? Nabestfriendzoned ka na nga, nadivertzoned ka pa.

 Makakaya mo pa kaya? Makakabangon ka pa ba?

Makakabangon pa kaya ako?

Ang sagot ay hindi ko alam.
Hindi ko alam kung paano at ano ang dapat gawin.
Hindi ko alam kung bakit ko ito isinusulat.
Basta ang alam ko lang, Masakit. Mahirap.

Masakit mahalin ang kaibigan ng higit pa. Masakit manatili sa tabi niya bilang kaibigan lang at makinig sa bawat kwento niya tungkol sa taong mahal niya habang ikaw unti unting nasaksaktan at nadudurog sa loob.Masakit na kailangan mo siyang iwan sa kadahilanan na hindi naman ikaw ang kailangan niya at higit na masakit ang makitang masaya siyang kasama ang iba.Mahirap tanggapin na wala siya sa tabi mo at sa araw araw na pagbangon mo, wala ng taong mangungulit sayo at pasayahin ka tuwing nalulungkot ka. Mahirap kumawala sa mga bagay bagay nakasanayan mo na kasama siya. Saang lugar ka man pumunta, kahit anung gawin mo, naaalala mo siya.Pilit mo mang kalimutan ang lahat, kumanta,sumayaw, magliwaliw,gumala kahit saan,magpakabusy, at magpanggap na hindi mo siya naaalala, pero wala. Pagkatapos ng araw na yun, kakainin ka ng kalungkutan at maiisip mong miss mo na siya. Yung tipong gustong gusto mo na siyang tawagan, kumustahin at kausapin pero hindi pwede kasi nga TAPOS NA. Wala na. Iniwan mo na siya at may iba na siyang kasama. Kaya sa huli, ang pag iyak na lang ang tanging magagawa mo. Pero sabi nga nila “Life goes on.” Kailangan mong magpatatuloy. Magpapatuloy ka hindi para sa inyo kundi para sa sarili mo,magpatuloy at bumangon.Isipin mo na lang dumating siya ng kompleto ka kaya dapat kahit umalis siya, kompleto ka parin.



By: Sabate, Ma. Emmy Rose L.







5 comments: