Sunday, July 19, 2015

When I Grow Up


Hi everyone. Isa nga pala akong estudyante sa paaralang Pamantasang Normal ng Pilipinas na nagpapakadalubhasa sa kursong Physics for Teachers. Naririto ako dahil may nais akong ikumpisal at nais ibahagi na parte ng buhay ko. This is how it goes…
Sa buong buhay ko, simula pagkabata, hinangad ko na ang yumaman. Paano ko nasabing simula pagkabata? Simple lang. Pinangarap ko noon na maging isang nurse dahil napanood ko sa balita na mataas daw ang sahod ng mga ito. Pinangarap ko din ang maging scientist noon dahil sa pagkakaalam ko ay malaki ang nakukuhang incentives ng mga ito sa bawat imbentong nagagawa nila. Higit sa lahat, sa tuwing tatanungin ako kung anong pangarap ko sa buhay, ang laging kong sinasagot ay mga propesyong alam kong magdadala sa akin sa pagyaman. Oh diba? Ang tanong, bakit pagtuturo ang kinukuha kong kurso ngayon?
Ang pagtuturo, tawag nga nila ay noble profession, ay isang propesyon kung saan ay hindi ka yayaman. Hindi lingid sa akin ang bagay na ito. Sa katunayan nga, hindi ko naman talaga gustong maging isang guro at kahit sa panaginip ko hindi ko man lang naisip na magiging guro ako pero mapaglaro talaga ang tadhana. May nakarating sa school namin na isang notice galing sa DOST na nagsasabing mayroon silang programa na tumatanggap ng mga scholars at dahil ako ang top 1 sa klase namin, ako ang nakakuha ng opportunity para i-take ang scholarship examination . Laking gulat ko ng malaman ko na nakapasa ako sa exam kaya naman dali-dali kaming lumuwas papuntang Lucena para sa contract signing. Maayos na sana ang lahat kung hindi lang masyadong mahigpit ang DOST-QUEZON pagdating sa admission slip. Kinakailangan na bago kami makapagcontract signing ay dapat enrolled na ako kung saang school man ako papasok kaya sa pagmamadali namin ay ipinasok na lang ako ni papa doon sa PNU dahil hindi na namin kailangang mga scholars na magtake ng entrance test para makapag-enroll. Hindi ko naman talaga hate na hate ang pagtuturo, iyon nga lang, contradict ito sa pangarap ko. Kahit ang first choice ko na architecture ay hindi rin naman ganoon kastable ang sahod. Dahil siguro hindi ko pa alam kung anong balak ko kaya ginagrab ko na lang lahat ng opportunities na makita ko.
So ayun na nga. Habang nag-aaral ako, unti-unting lumilinaw sa akin kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay. Narealize ko na isa lang pala akong bored na tao na naghahanap ng konting spice sa buhay at hindi lang basta pagyaman ang gusto ko. Sa ngayon, medyo nasort ko na kung anong balak ko at ito ay tinatawag kong THC – Travel… Home… Country.
Travel. Isa sa major na pangarap ko sa buhay ay ang makapagtour around the world especially sa Japan. High school pa lang ako namangha na talaga ako sa Japan. I admire how advance its technologies are and how discipline its people is. Moreover, I’m totally captivated with the spring season happening there kung kailan namumulaklak ang kanilang cherry trees. It’s so magnificent though nakikita ko lang ang mga ito sa pictures at animes.
Home. Isa pang major goal ko in life ay ang makapagtayo at makapagdisenyo ng sariling kong bahay sa isang payapa at hindi polluted na lugar. Simula bata ay inlove na talaga ako sa arts, arts lang ang parang walang pakialam sa akin. May konti akong talent pero it’s not enough para magkaroon ako ng confidence na ipursige ang pagpapakadalubhasa sa larangang ito kaya nananatiling frustration na lang ito na balak kong tuparin pagdating ng tamang panahon para naman hindi ako umabot sa despair stage ng psychosocial development theory ni Erickson. Hehe. Kailan at paano ko ito matutupad ay hindi ko pa napagpaplanuhan.
Country. Isa akong taong malaki ang malasakit sa kanyang bayan. Ang pinakamalaki at pinakamahirap na major goal ko sa buhay ay ang makapagcontribute ng kahit ano para sa bansang Pilipinas patungo sa kanyang pag-unlad at pag-asenso. Naniniwala ako na hindi naman kailangan ng isang tao na maging presidente para makatulong sa bansa pero iba pa rin kapag may kapangyarihan ka na pinanghahawakan. Naisip ko na imbes na maging presidente ako, bakit ‘di na lang ako manirahan sa mga lugar na alam kong pinakamalala ang kahirapan at subukang ibangon ito at paunlarin. Bilang isang guro, maaari akong magturo sa mga batang hindi nakakapag-aral ng libre tuwing weekends at bakasyon nang sa gayon ay magkaroon ang mga ito ng edukasyon at tamang konsepto ng ethics. Pero syempre limitado ang magagawa ko kaya naisip ko rin na maging pinuno ng lugar na ganito ang kalagayan sa buhay. Bilang isang pinuno, hindi lingid sa akin na ang numero unong problema ng bansa ay ang kawalan ng trabaho kung kaya kung sakali man na matupad ko ang balak na ito ay ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang pagbibigay ng sapat na trabaho at susunod na ang lahat ng mga dapat na gawin. Ang pangarap na ito ay alam kong almost impossible na para sa akin pero nais ko pa ring gumawa ng paraan na kahit hindi man ako ang tumupad nito ay may naiambag man lang ako.
Napakarami ko pang pangarap sa buhay at alam kong hindi sapat ang buong buhay ko para matupad ko itong lahat kaya naman sinosort ko na kung ano ba ang pinakamatalinong hakbang para matupad ko man lang kahit iyong mga major goals ko lang at sisimulan ko ito sa pagtatapos, pagpasa sa LET, at pagtatrabaho.
Sinabi ko man na hindi naman talagang pagyaman ang pangarap ko, pero aminin man natin at sa hindi, kailangan ko ng malaking malaking halaga ng pera para matupad ko itong lahat kaya masasabi pa rin na ang goal ko talaga ay ang yumaman. Sabi nga nila, “Money makes things go around” so without it I’m hopeless.
Sa lahat ng makakabasa nito, sana isa sa inyo ang kagaya ko na naghahangad ng hindi lang pagyaman ng sarili kundi pati ng kanyang kapwa at bansa. Maraming salamat sa inyong matyagang pagbabasa at sa susunod muli. 

-Alyssa Rey Talabong
heart emoti
c

1 comment: