Paano nga ba umibig ang Tao?
John Cendrix D. Castro
PAG-IBIG, pitong letra na salita
na may iba't ibang kahulugan base sa pananaw ng bawat tao. Ayon sa Merrriam-Webster
Dictionary, ang pag-ibig daw ay isang matinding damdamin na nararamdaman ng
isang tao sa ibang tao sa isang romantikong paraan. Sabi pa nga ng iba
"Love is blind", bulag daw ang pag-ibig pero may mga nagsasabi din
naman na "Love will show you the way". Ang pag-ibig daw ay ang susi
para lumigaya ang isang tao pero mayroon ring nagsasabi na ito ang pinakamakakasakit
sayo ng sobra. Iyon ay ilan lamang sa
mga kahulugan na alam ko pero kahit kakaunti lamang yan ay nakapagiwan ito ng
ilang mga katanungan sa aking isipan, Paano kaya nila nasasabi na sila ay
umiibig na? Mayroon bang mga pahiwatig na nagsasabi sa kanila na sila ay umiibig
na? At paano kaya sila umibig?
Ito ang masaya at pumukaw sa aking
atensyon. Sabi nila, "Physics is not the most important thing in the world,
it's LOVE". Nakakabilib pang isipin na pag pag-ibig na ang usapan, madaming
nasasabi ang tao pero kapag iba ang usapan ay kakaunti lamang. Ganoon na lang siguro
magbigay importansya ang maraming tao sa pag-ibig para masabi nila ang ganitong
mga bagay. Kaya siguro nauuso ngayon ang salitang forever at kung meron nga ba nito.”Naniniwala nako sa
forever, magmula nung nakilala kita.” Patok na patok ang linyang ito ngayon na
nagmula sa isang kanta ng isang sikat na tambalan sa industriya ng pag-arte
ngayon. Mga salitang sumisimbolo na sa
isang uri ng pag-ibig ngayon. Salitang forever na napakalaki ng impluwensya sa
mga taong nagmamahalan ngayon. Paano ba naman hindi ito makakaimpluwensya? Halos
lahat na yata ay umaasa na makakahanap sila ng forever kung meron man. Kung mahanap
man nila ito, ito yung mga taong ibibigay lahat sa mahal nila. Lahat isasakripisyo
para sa minamahal nila. Mga taong ilalaan ang buhay nila sa mahal nila. Sa oras
na mahanap na nila ang forever nila, hindi na nila kayang pakawalan yung taong
iyon. ganito magmahal ang mga taong naniniwala sa forever. “ Say something Im
giving up on you”, kantang nababagay sa mga taong martir sa pag-ibig. Mga taong
binibigay ang lahat kahit na wala silang napapala. Mga taong hindi alam ang
salitang sakit basta kasama nila ang mahal nila ay masaya na sila. Lahat ng
bagay kaya nilang gawin para sa mahal nila. Baliw kung mitututring pero anung
magagawa natin kung ganoon sila magmahal.
Sabi nila, totoo daw ang “ Love at first sight”, para sakin, totoo nga
naman. Naranasan ko na ang nararanasan at sinasabi ng iba. Sa unang tingin pa
lang ay ramdam ko na siya na ang mamahali ko sa habang buhay. Kaya ito ako,
hindi nagsisisi sa naging desisyon ko at kasama ko siya ngayon at inaasahan ko
na siya na talaga ang makakasama ko hanggang tumanda at mamatay.
Iba’t
iba man ang pagpapakahulugan natin sa salitang pag-ibig, iba’t iba man tayo ng
paraan kung paano tayo magmahal, mayroon naman tayong pagkakatulad. Hindi man
natin aminin sa sarili natin, lahat tayo ay umibig na at nasiyahan sa ating
naramdaman. Siguro ang iba ay nasaktan lamang pero sana hindi ito maging
hadlang upang tayo ay umibig muli dahil hindi natin mahahanap ang tunay na
pagmamahal kung tayo susubok ng susubok.
No comments:
Post a Comment